Friday, November 22, 2013

Tigil-pasada, sa ilang lugar sa NegOcc

Ni Jun N. Aguirre


BACOLOD CITY – Magsasagawa ng tigil-pasada ang mga miyembro ng United Negros Drivers Operators Centers (UNDOC) sa ilang bahagi ng Negros Occidental sa Lunes, Nobyembre 25.


Ayon kay Diego Malacad, secretary general ng UNDOC, gagawin ang tigil-pasada simula 8:00 ng umaga hanggang 9:00 ng umaga.



“Ilan lang sa sakop ng tigil-pasada ang bayan ng EB Magalona at mga lungsod ng Silay at Talisay,” sabi ni Malacad.


Inaasahang susundan pa ito ng ibang bayan, kabilang ang Bacolod City, sa susunod na linggo kapag hindi umano pinakinggan ng gobyerno ang kanilang hinaing.


Ayon kay Malacad, maaaring makibahagi ang mga transport operator sa kanilang kilos-protesta kahit na hindi miyembro ng UNDOC ang mga ito.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tigil-pasada, sa ilang lugar sa NegOcc


No comments:

Post a Comment