Friday, November 22, 2013

100,000 board feet ng illegal logs, nakumpiska

Kinumpiska ng Department of Environmental and Natural Resources (DENR) at Philippine National Police ang may 100,000 board feet ng ilegal na kahoy sa Isabela.


Base sa report ni Amethyst Costales, vice chairperson ng DENR Task Force, 14 na truck ng kahoy ang kanilang nakumpiska na kinabibilangan ng mga narra, red lawan at almasiga.



Aniya, ang DENR ang magdedesisyon kung ano ang gagawin sa mga nakumpiskang kahoy dahil hindi awtorisado ang pagputol sa mga ito.


Nabatid sa DENR na tukoy na ang mga personalidad na sangkot sa illegal logging operation, na umano’y nagbanta pa sa mga tauhan ng DENR Task Force.


Ang mga ito ay sina Georgie Lorenzo, dating kagawad ng Barangay Cadsalan, San Mariano; at Peter Aligbay, ng Bgy. Villa Concepcion, Cauayan City.


Napaulat na ginagamit umano ng grupo ang puwersa ng New People’s Army (NPA) upang takutin ang mga tauhan ng DENR.


Sinabi ni Costales na magsasampa ng grave threat ang Task Force at DENR laban kay Lorenzo at paglabag sa PD 7050 (Illegal Logging Law) laban kay Aligbay. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



100,000 board feet ng illegal logs, nakumpiska


No comments:

Post a Comment