Thursday, November 21, 2013

Jennylyn Mercado, may split personality sa bagong teleserye

ni Nora V. Calderon


Jennylyn Mercado BLOOMlNG ang beauty ni Jennylyn Mercado nang makausap namin at agad biniro na hindi yata dapat ganoon ang itsura ng katatapos lang makipag·break sa boyfriend.


Natawa siya pero ayaw na niyang sumagot sa mga tanong tungkol sa paghihiwalay nila ni Luis Manzano. Gayunpaman, sumagot siya nang tanungin kung totoong bang isang actor-politician ang dahllan ng break-up.



“Naku, wala po talagang third party sa break·up at huwag na tayong mangdamay ng ibang tao, irespeto na lamang natin siya dahll wala namang katotohanan na i·link siya sa akin,” sagot ni Jen. “Saka I’m getting there na, much better kaysa noon. Work na muna at kailangan kong maging strong para sa aking family lalo na sa anak kong si Alex Jazz.”


Kaya ba niyang harapin at tingnan si Luis o si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto kapag nagkita sila?


“Oo naman po, at si Gov. Vi, sobrang bait po niya, very loving kaya bakit naman hindi ko sila kayang harapin?” Walang panahon mag-senti si Jen dahil sunud-sunod ang projects niya sa GMA Network. After hosting Anak Ko ‘Yan, may cooking show naman siya, ang Sarap Family at every Sunday sa Sunday All Stars. May bago rin siyang primetime drama series, ang Rhodora X kasama ang coStars truck niyang sina Mark Herras, Yasmin Kurdi at si Mark Anthony Fernandez. Sino si Rhodora X?


“May split personality siya dahll naging traumatic ang growing-up years niya. Tanong nga po nila kung true-to-life, abanganna lang nila. Pero masaya na muli kaming nagkasama-sama sa isang project. Kasi ang first batch po ng Stars truck, hanggang ngayon, after ten years, close pa kami sa isa’t isa at may monthly meeting karni. Sayang nga lang na hindi kami natuloy magbakasyon abroad kasi lahat kami busy sa work.”


Hindi kaya sila magkabalikan ni Mark, ang kanyang naging unang sweetheart.


“Naging maganda po ang relasyon namin ni Mark kahit nagkahiwalay kami at until now, alam niya ang mga nangyayari sa akin. Pero wala po talaga akong binalikang nakarelasyon, iyong iba after ng break-up naging kaibigan ko uli. Tama na po ‘yon, maging friends na lang kami para okey kung muli kaming magkatrabaho.”


Ang Rhodora X ay ididirek ni Albert Langitan at makakasama nila sa cast sina Glydel Mercado, Gardo Versoza, Irma Adlawan, Rachelle Anne Go at Frank Magalona. Early 2014 ang kanilang pilot telecast.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jennylyn Mercado, may split personality sa bagong teleserye


No comments:

Post a Comment