Thursday, November 21, 2013

ILEGAL ANG PDAF

Idineklara nang labag sa Saligang Batas ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga mambabatas.


Sa botong 14-0-1, kinatigan ng Korte Suprema ang limang petisyong isinampa dito na naglalayong ibasura nga ito. Bumilang din ng buwan itong naging reaksyon ng Korte pagkatapos ang One Million March ng taumbayan sa Luneta laban sa PDAF at lahat ng uri ng pork barrel ng mga pinuno ng gobyerno. Pero, ito na yata ang pinaka-mabilis, kung hindi isa sa pinakamabilis, na kasong nadeisisyunan ng Korte.



Lumabas ang desisyon sa gitna ng kahirapan dinaranas ngayon ng mamamayan sa kabisayaan dulot ng pinakamalakas na lindol at bagyong dumalaw sa lugar na ito. Katatapos pa lang ang mabigat na paratang sa gobyerno na napakabagal itong kumilos para tulungan ang mga nasalanta. Wala pa nga raw gobyerno sa loob ng apat na araw pagkatapos ng unos na si Yolanda dahil iniwan nitong lupaypay at nakalugmok sa dilim na hubad, gutom at uhaw ang kanyang mga biktima na wala man lang kumalinga sa kanila. Eh ang gobyerno lang ang nasa posisyong makakagawa nito.


Ang pundasyon ng demokratikong lipunan ay ang taumbayan. Hindi ba kapag gumalaw ang pundasyon , anumang nakatayo rito ay susunod na gagalaw? Ganito ang nangyari sa atin nang sa tindi ng galit ng sambayanan sa ginawa ng mga namumuno sa kanila sa salapi ng bayan, kumilos silang iisa. Sa mapayapang paraan ipinadama nila ang pumuputok nilang kalooban laban sa PDAF at lahat ng uri nito. Nayanig ang gobyerno at ang inuga nito nang malakas ay ang mga nasa kataas-taasang nagpapatakbao nito. Humilig ang Korte Suprema. Napapanahon ang ginawa nito. Kaya, hindi nakagalaw ang gobyerno lalo na sa panahong kailang-kailangan siya ng kanyang mamamayan ay dahil dito sa PDAF. Violation of separation of powers ito , sabi ng Korte, dahil binigyan ng mga mambabatas ang kanilang mga sarili ng pondo para gumawa ng proyekto na trabaho naman ito ng ehektibo at pamahalaang lokal. Dahil ganito ang PDAF, kumalat ang salapi ng bayan at ang napakalaki nito ay kung saan-saan lang napunta .


Kaya hindi na makagalaw ang ating gobyerno dahil wala na siyang magamit na pondo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ILEGAL ANG PDAF


No comments:

Post a Comment