Thursday, November 21, 2013

Normal na pamumuhay bumabalik na sa Leyte – Malacañang

Unti-unti nang bumabalik ang normal na pamumuhay sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong “Yolanda,” partikular na sa Leyte.


Sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Edwin Lacierda na ang pagbalik ni Pangulong Aquino sa Manila matapos ang kanyang tatlong araw na pamamalagi sa Tacloban City ay senyales na bumubuti na ang sitwasyon sa siyudad.



“He left Tacloban expressing his full trust and confidence in the composite team led by Secretaries (Mar) Roxas, Dinky Soliman, and other government officials who have been on the ground to direct and coordinate government efforts,” sinabi ni Lacierda.


“Normalcy has begun to set in an encouraging pace,” ani Lacierda, habang ikinukuwento ang pagbubukas ng tatlong ATM unit at nakatakdang pagbubukas ng Development Bank of the Philippines sa Tacloban City.


Aniya, magbubukas na rin sa mga susunod na araw ang Robinson’s at Gaisano supermarket at maging ang mga hardware at agri-supply store sa Leyte.


Tiniyak naman ng opisyal na patuloy ang pagdating ng relief supplies sa mga apektadong lugar sa Visayas kasabay ng pagpapatupad ng rehabilitasyon sa mga tahanan at imprastraktura sa rehiyon.


“It shows also the level of expectation from the people of Tacloban now that relief goods have been serviced, they are looking forward to other concerns. That shows also the progress that has being done on the ground in Tacloban City,” pahayag ni Lacierda.


Magtatayo rin ang pamahalaan ng mga bunkhouse sa Palo, Maasin, Basey, Marabut at Guiuan kung saan naranasan ang matinding hagupit ng bagyong “Yolanda.”


Bago umalis sa Tacloban, sinabi ni Lacierda na nakipagpulong ang Pangulo kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez at iba pang lokal na opisyal ng Tacloban upang tukuyin ang kanya-kanyang responsibilidad sa pagsasagawa ng relief and rehabilitation operations sa Tacloban City. – Madel Sabater-Namit


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Normal na pamumuhay bumabalik na sa Leyte – Malacañang


No comments:

Post a Comment