Friday, November 22, 2013

Pacquiao at Rios, pasok sa weigh-in

KAPWA pasok sa weigh-in sina People’s Champ Manny Pacquiao at Brandon Rios para sa laban ngayong Linggo, Nobyembre 24 sa Macau.


Tumimbang ng 145 pounds (lbs.) si Pacquiao habang 146.5 lbs. si Rios, pawang mas mababa sa limit na 147 lbs.


Isinagawa ang official weigh-in sa Cotai Arena na dinagsa ng mga Pinoy na excited na ring mapanood ang laban.


Gaganapin ang bakbakang Pacquiao-Rios alas-11:30 Linggo ng umaga.


Una nang sinabi ni Pacquiao na determinado siyang manalo para sa mga kababayang biktima ng Bagyong Yolanda.


Ipapanood naman ang bakbakang Pacquiao-Rios sa Taclobanons sa kanilang astrodome, airport at city hall via livestreaming.


The post Pacquiao at Rios, pasok sa weigh-in appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pacquiao at Rios, pasok sa weigh-in


No comments:

Post a Comment