Saturday, November 9, 2013

Jeep bumulusok sa bangin, 20 sugatan

Ni Freddie G. Lazaro


TUGUEGARAO CITY, Cagayan – May 20 katao ang nasaktan nang bumulusok sa bangin ang isang pampasaherong jeepney sa Barangay Marannao, San Mariano, Isabela noong Huwebes.


Sinabi ng pulisya na bago ang aksidente, 40 pasahero ang nagsisiksikan sa jeep na minamaneho ni Bernabe Reynaldo habang bumabagtas patungong Bgy. Ueg, San Mariano.



Nawalan umano ng kontrol sa sasakyan si Reynaldo matapos na pumalpak ang presno nito sa makurbadang bahagi ng kalsada.


Agad namang sumuko ang driver ng jeep habang mabilis na naisugod sa ospital sa Ilagan City ang mga sugatang pasahero.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Jeep bumulusok sa bangin, 20 sugatan


No comments:

Post a Comment