Saturday, November 9, 2013

‘Yolanda victims’ alayan ng dasal – Pope Francis

IGINIIT ni Pope Francis na malapit sa kanyang puso ang mga Pinoy.


Kasabay nito, umapela ng panalangin ang Santo Papa para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa Pilipinas.


Tiniyak din ni Pope Francis na kasama ang mga Pinoy sa kanyang panalangin, lalong-lalo na ang mga labis na sinalanta ng super bagyo na bumayo sa ilang bahagi ng bansa.


“I ask all of you to join me in prayer for the victims of Typhoon Haiyan / Yolanda especially those in the beloved islands of the Philippines,” tweet pa ng Santo Papa.


Matatandaang libu-libong katao ang inilikas mula sa kanilang mga tahanan matapos na bayuhin ng super typhoon Yolanda ang ilang bahagi ng bansa.


Sa pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), aabot sa libu-libong katao ang namatay at libu-libo rin ang nasugatan dahil sa naturang kalamidad.


Sabado ng gabi nang lumabas ng bansa ang bagyo, na bahagya nang humina at tumungo naman sa Vietnam.


The post ‘Yolanda victims’ alayan ng dasal – Pope Francis appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



‘Yolanda victims’ alayan ng dasal – Pope Francis


No comments:

Post a Comment