Saturday, November 9, 2013

ABS-CBN, nangunguna pa rin sa ratings


Ni Ador V. Saluta


LALO pang umabante ang ABS-CBN laban sa mga kalabang istasyon sa tatlong puntos na itinaas sa total day average audience share na 45%, lampas ng 12 puntos sa 33% ng GMA, ayon sa survey ng Kantar Media.


Mataas ang lahat ng programming blocks ng Dos, katunayan na mas marami ang tumatangkilik sa mga programa nila.



Tumaas ng isang puntos sa morning block (6AM-12NN) ang ABS-CBN kumpara noong Setyembre, 37% kontra sa 34% ng

GMA.


Umakyat naman ng apat na puntos ang Kapamilya network sa early afternoon block (12NN-3PM), 43% at bumaba naman ang GMA sa 37%. Sa tulong ito ng noontime show na It’s Showtime na nakakuha ng 17.7% average national TV rating noong Oktubre mula 13% sa nakaraang buwan. Bumaba naman ang Eat Bulaga sa 13.7% (dati ay 15.2%).


Hataw din ang late afternoon block (3PM-6PM) ng Dos sa 45% mula sa 37% noong Setyembre, dahil sa Kapamilya Blockbusters (13.8%) na patuloy na dinadaig ang Mga Basang Sisiw (12.1%); Love Story of Kang-Chi (13.7%) at Galema: Anak Ni Zuma (16.2%). Bumagsak naman sa 31% ang GMA sa nasabing time block mula sa 34%.


Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng Dos sa primetime (6PM-12MN) na umakyat ng dalawang puntos ngayong buwan, 49% o lamang ng 18 puntos sa 31% ng GMA. Pinakamahalaga ang primetime dahil sa timeblock na ito pinakamarami ang manonood kaya dito natatambak ang mga patalastas ng maraming kompanya.


Agad tinangkilik ng sambayanan ang bagong teleseryeng Honesto na nakakuha ng 30.3% average national TV rating, kaya agad itong nailuklok sa pangalawa sa pinakapinanood na programa noong Oktubre. Dinurog nito ang Genesis ng GMA (14.1%).


Wagi rin ang bagong game show na Bet On Your Baby ni Judy Ann Santos na may 26.9% average national TV rating. Tinutukan din ang bagong teleseryeng Maria Mercedes na pumalo ang pilot episode sa 23.8%.


Nangungunang newscast pa rin ang TV Patrol sa naitalang average national TV rating na 29.5% at ang katapat na 24 Oras ng GMA ay 17.7% naman.


Matagumpay din ang katatapos na Juan de la Cruz na umarangkada ang huling episode sa rating na 38.3% at nakatamo ng average national TV rating na 34.5% kaya ito ang No. 1 sa listahan ng top programs sa buong bansa noong nakaraang buwan.


Sa kabuuan, 13 sa top 15 na pinakapinanood na programa noong Oktubre ay mula sa ABS-CBN kabilang ang Maalalaala Mo Kaya (30.2%), Wansapanataym (29.4%), Got to Believe (29.2%), Annaliza (24.9%), Muling Buksan ang Puso (23.9%), Rated K (20.8%), Goin’ Bulilit (20.2%) at Be Careful With My Heart (19.7%).

Nanguna rin sa kanyang timeslot

ang katatapos na koreanovelang Wish

Upon A Star sa average national TV

rating na 10.3% kontra sa Lola (6%).

Higit namang kumapit ang mga

manonood sa movie block ng ABSCBN

tuwing Sabado na Sabado Specials

(16%) kumpara sa showbiz-oriented

talk show ng GMA na Startalk (7%).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



ABS-CBN, nangunguna pa rin sa ratings


No comments:

Post a Comment