Saturday, November 2, 2013

James Franco, naabala sa LAX shooting

LOS ANGELES (AP) – Ang LAX o Los Angeles International Airport ang international hub para sa Hollywood stars, at napabilang ang ilang celebrities sa mga biyaherong naantala sa pamamaril sa paliparan noong Biyernes ng umaga.


James Franco Nagkaroon ng napakaraming oras para sa social media makaraang mapabilang sa pagkakapaliban sa mahigit 700

flight sa Amerika, sa Twitter inupdate ng celebrities ang kani-kanilang fans.



Tweet ni James Franco: “At #lax Some (expletive) shot up the place.” Kasama ng tweet ang self-portrait ni James habang nakaupo sa window seat ng eroplano. Kinumpirma ng publicist ni James na pasahero ang aktor sa flight na lumapag noong Biyernes ng umaga ilang oras matapos ang pamamaril.


“Currently waiting on the plane in a remote parking area. I am safe. Praying for the victims of this shooting,” tweet naman ni Nick Jonas, na na-delay din ang pagbaba sa eroplano dahil sa insidente.


“Otw to lax and I hear there was a shooting at the terminal I’m going to. No Dallas for me this weekend, hope everyone is ok. I hate u LAX.” Tweet naman ni Mark Salling ng Glee.


Isang tauhan ng Transportation Security Administration ang napatay at dalawa ang nasugatan sa pamamaril ng 23-anyos na lalaki sa LAX noong Biyernes.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



James Franco, naabala sa LAX shooting


No comments:

Post a Comment