Saturday, November 2, 2013

Japan, magdadagdag ng $3.5M sa mga nilindol

Ni Roy Mabasa


Magbibigay ang Japan ng karagdagang emergency grant aid na nagkakahalaga ng $3.5 million sa mga naapektuhan ng 7.2-magnitude na lindok na tumama sa Central at Western Visayas noong Oktubre 15.


Ayon sa Japanese Embassy sa Manila, ang emergency aid package ay ipagkakaloob bukod sa emergency relief goods na nagkakahalaga ng 38 million yen na naunang ipinadala ng Japan sa mga biktima ng lindol.



Ang karagdagang tulong ay idadagdag sa pamamagitan ng International Organization for Migration (IOM) ($1 million), International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) ($500,000), United Nations Children’s Fund (UNICEF) ($1.2 million),at United Nations Development Programme (UNDP) ($800,000).


Sinabi ng embassy na susuportahan nito ang relief operations sa pabahay, tubig, at sanitasyon at pag-aalis sa mga guho.


Unang nagkaloob ang gobyernong Japanese ng mga tent at plastic sheets sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).


Sa tala nitong Oktubre 31, 222 katao na ang iniulat na nasawi, 796 ang nagtamo ng mga pinsala at mahigit tatlong milyon katao pa ang apektado ng, batay sa datos na nagmula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Japan, magdadagdag ng $3.5M sa mga nilindol


No comments:

Post a Comment