Friday, November 8, 2013

2 estudyante natangayan ng cell phone

Dalawang estudyante ang natangayan ng kanilang mga cell phone ng hindi kilalang suspek habang sakay ng isang pampasaherong jeep sa San Juan City kahapon.


Kinilala ni Senior Supt. Joselito Daniel, hepe ng San Juan City Police Station, ang mga biktima na sina Cesar Sacdalan, 23, ng Herrera St., Tondo, Manila at Mike Kevin Mauricio, 19, ng Paterno St., Pasadena, San Juan City.



Ang dalawang biktima ay lulan ng isang jeepney na biyaheng Rosario, Pasig nang sila ay holdapin ng dalawang suspek na

armado ng balisong sa pagsapit sa Pinaglabanan St., Barangay Pedro Cruz, San Juan City.


Natangay sa dalawang biktima ang isang MyPhone na nagkakahalagang P7,000 at iPhone 4 na nagkakahalagang P20,000.


Sinabi pa ng dalawa na agad na lumipat ng isang RRCG bus ang mga suspek mula sa kanilang sinasakyang jeepney matapos ang insidente. – Francis Wakefield


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 estudyante natangayan ng cell phone


No comments:

Post a Comment