Saturday, November 16, 2013

Ilang gov’t agencies nagkansela ng party

MARAMING ahensya na ng gobyerno ang nagkansela ng Christmas party upang ibigay na lamang sa biktima ng bagyong Yolanda ang kanilang sana ay gagastusin para sa masasarap na pagkain at magagarbong mga regalo.


Kasugnay nito, hinikayat ng Malacañang ang mga ahensya ng pamahalaan na isagawa ang selebrasyon sa nalalapit na holiday season na naaayon sa sinapit ng mga kababayang nasalanta ng bagyong Yolanda.


Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, gaya ng ginawa noong 2011 matapos manalasa ang bagyong Sendong at ‘Pablo’ noong 2012, nakiisa naman ang mga nasa gobyerno sa kalagayan ng mga biktima.


Ayon kay Valte, imbes na maging magarbo, simple na lamang at i-donate sa mga biktima ang matitipid sa gagawing Christmas parties.


Sa ngayon, maraming ahensya na ng gobyerno ang nagkansela ng Christmas parties.


The post Ilang gov’t agencies nagkansela ng party appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilang gov’t agencies nagkansela ng party


No comments:

Post a Comment