Saturday, November 16, 2013

4 barko ng China, pumasok sa inaangking isla ng Japan

MULING pinasok ng apat na barko ng China ang pinag-aagawang isla nila ng Japan.


Ayon sa Japan Coast Guard, kanilang nakita ang apat na barko ng Chinese coast guard sa isa sa mga isla ng Senkaku islands sa East China Sea.


Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na military drill ng Japan na layuning mapalakas ang depensa sa kanilang mga liblib na isla.


Sinabi ng Tokyo, siyam na araw na ang nakararaan ay apat na barko rin ng Beijing ang pumasok sa nasabing isla.


Nabatid na umigting ang tensyon sa pagitan ng dalawang Asian powers matapos binili ng Tokyo sa pribadong may-ari ang Senkaku islands.


Simula nito ay panay ang pagpasok ng mga barko at maging eroplano ng China na sanhi ng panaka-nakang habulan nila ng mga barko ng Japan Coast Guard sa nasabing bahagi ng karagatan.


The post 4 barko ng China, pumasok sa inaangking isla ng Japan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



4 barko ng China, pumasok sa inaangking isla ng Japan


No comments:

Post a Comment