Saturday, November 16, 2013

Manugang na nambugbog ng asawa binaril ng biyenan

NASA malubhang kalagayan ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos mabaril ng kanyang biyenan dahil sa pananakit ng asawa at biyenang babae sa Gumaca, Quezon.


Kinilala ng awtoridad ang sugatang suspek na si Roderick Saavedra, 33.


Nabatid na umuwing lasing ang suspek dahilan para magkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng misis na si Mirabel.


Hindi nagtagal ay humantong na sa pananakit ang away ng mag-asawa daan upang makialam ang ina ng biktimang si Eva at ang asawa na si Melecio.


Subalit sa halip na tumigil ay lalo pang nagalit ang suspek at maging ang biyenang lalaki ay sinaktan din.


Sunod nitong pinagbalingan ang biyenang babae na pinagsusuntok, hinampas ng dos por dos at sinakal.


Sa pagnanais na maawat ang suspek ay kinuha na ni Melecio ang kanyang shotgun at binaril sa mukha ang suspek.


Sa ngayon, nagpapagaling na sa ospital si Saavedra.


The post Manugang na nambugbog ng asawa binaril ng biyenan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Manugang na nambugbog ng asawa binaril ng biyenan


No comments:

Post a Comment