Tuesday, November 12, 2013

Ilan sa Yolanda victims ginagamot na sa East Avenue Medical Center

ILAN sa biktima ng bagyong Yolanda sa Tacloban City na nangangailangan ng “urgent medical attention” ang ngayon ay nasa East Avenue Medical Center na sa Quezon City.


Umaabot sa 11 pasyente ang ginagamot ngayon sa nasabing ospital.


Sa report, ang nasabing mga survivor ay dinala sa Maynila sa pamamagitan ng airlift ng militar.


Ayon naman sa mga doktor ng EAMC, ang mga pasyenteng nanggaling sa Tacloban ay mas kailangan ng stress debriefing at psychological counseling para malagpasan ang trauma na kanilang naranasan sa delubyong hatid ng supertyphoon Yolanda.


The post Ilan sa Yolanda victims ginagamot na sa East Avenue Medical Center appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Ilan sa Yolanda victims ginagamot na sa East Avenue Medical Center


No comments:

Post a Comment