Tuesday, November 12, 2013

‘The Singing Bee’ nina Dick at Amy, bibirit sa Sabado

Ni Ador Saluta


MAGIGING pista ng musika na ang siesta time tuwing Sabado dahil magbabalik na ang The Singing Bee simula ngayong Nobyembre 16 sa ABS-CBN kasama sina Roderick Paulate at Amy Perez bilang hosts.


In pa rin sa lahat ang musical game show na hindi importante kung sintunado ang boses mo dahil ang importante ay tama ang lyrics mo.



“Mawawala ang mga problema at stress n’yo sa buhay dahil ito ang show na purong masaya lang. Perpekto rin ito sa atin dahil likas na music lovers ang mga Pilipino,” sabi ni Amy.


“Siguradong papatok ito dahil walang Pilipinong ayaw ng kasiyahan. Dito p’wede kayong makikanta, makisayaw, at makihula,” salo naman ni Dick.Maglalaban-laban ang ilan sa mga pinamalalapit na kaibigan nina Dick at Amy sa industriya

na sina Carmi Martin, Boboy Garovillo, Ogie Diaz, Eric Fructuoso, at Kiray Celis para sa jackpot prize na P1 milyon sa pilot episode nito ngayong Sabado.


Makakasama nila ang The Voice of the Philippines “songbees” na sina Isa Fabregas, Jessica Reynoso, Penelope Matanguihan, Maki Ricafort, at Yuki Ito, ang resident singers ng programa na magbibigay buhay sa pahuhulaang mga awit.


Magbabalik din ang bandang Bandle Bees sa pangunguna ni Mel Villena pati na rin ang seksing mga dancer na “Honeybees.”


May apat na rounds ang The Singing Bee. Lima ang maglalaban-laban sa una at elimination round na magdudugtungan ang bawat kalahok ng kanta. Ang unang apat na may tamang sagot ang magpapatuloy sa ikalawa at ikatlong round.


Sa kasunod na round, aayusin ng bawat kalahok ang ginulong lyrics ng kanta sa tamang pagkakasunud-sunod. Bawat tamang sagot sa round na ito ay may katumbas na dalawang puntos.


Pagdating sa “Beedeoke” ay halinhinang kakantahin at pupunan ng apat na natitirang kalahok ang mga nawawalang lyrics sa isang kanta. Bawat isa sa kanila ay may tatlong patlang na kailangang hulaan at kada tamang sagot ay katumbas ng tatlong puntos.


Ang may pinakamataas na puntos mula sa ikalawa at ikatlong round ang sasabak sa “Final Countdown” at haharap sa defending champion.


Sa jackpot round, sasalang muna sa “Manuhan” ang finalists para malaman kung sino ang unang susubok sa pagkuha ng milyon. Magbibigay ng pangalan ng singer ang hosts at ang unang makapindot ng buzzer at makapagbigay ng kahit anong titulo ng kantang inawit ng nasabing singer siyang mauuna at may prebilihiyong pumili ng kategoryang kanilang lalaruin.


Kailangang mahulaan ng unang fi nalist ang apat sa pitong nawawalang lyrics ng pitong magkakaibang kanta. Bawat tamang sagot ay may katumbas na P20,000 at sa oras na makakuha siya ng apat na tamang sagot ay panalo na siya ng P1 milyon. Pero kapag nagkamali ang unang finalist ay may pagkakataon ang ikalawang finalist na mag-steal at masungkit ang jackpot. Ang mananalo sa “Final Countdown” ang tatanghaling champion na babalik sa susunod na episode para idipensa ang kanyang titulo.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘The Singing Bee’ nina Dick at Amy, bibirit sa Sabado


No comments:

Post a Comment