Tuesday, November 12, 2013

Davao police station volunteer natagpuang patay

PATAY na nang matagpuan ang isang volunteer ng San Fernando City Police Station sa ulat ngayon.


Ang biktima ay kinilalang si Ricardo Sulia, 51, tubong Davao City.


Sa report, patungo sa kusina para maghugas ng mga pinggan ang kasama nitong helper sa nasabing himpilan ng pulisiya na si Rommel Estacio, 31, ng Barangay Santiago Norte, San Fernando City, La Union nang madatnan ang biktima na nakahandusay na at bumubula ang bibig.


Agad dinala sa isang private hospital ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.


Napag-alaman na si Sulia ay dumating sa siyudad noong Setyembre 12, 2013 mula Davao dahil sa problemang pampamilya.


Inaalam pa kung ano ang ikinamatay ng biktima.


The post Davao police station volunteer natagpuang patay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Davao police station volunteer natagpuang patay


No comments:

Post a Comment