Friday, November 8, 2013

Fr. Dizon, ililibing sa Lunes

Ihahatid sa kanyang huling hantungan sa Lunes, Nobyembre 11, ang aktibistang pari na si Fr. Joe Dizon, na nasawi dahil sa karamdaman kamakailan, sa Imus, Cavite.


Bago ang libing ay isang funeral mass ang idaraos dakong 9:00 ng umaga sa Our Lady of the Pillar Cathedral, na pangungunahan ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista.



Ang labi ni Dizon ay unang ibinurol sa San Roque Cathedral sa Caloocan at dinala nitong Huwebes ng hapon sa Workers’ Assistance Center, Inc., sa Rosario, Cavite, para sa isang overnight vigil.


Ang naturang samahan ng mga manggagawa ay nabatid na itinatag ni Dizon noong 1995.


Mula sa Rosario ay dadalhin ang labi ng pari sa Casas Hall sa Our Lady of the Pillar Cathedral compound, sa Imus para sa mga aktibidad at requiem Masses.


Ngayong Sabado, Nobyembre 9, magdaraos din ng ecumenical service dakong 3:00 ng hapon.


Matapos ang funeral service, si Dizon ay ililibing sa clergy burial site sa tabi ng katedral.


Si Dizon, 65, na lead convenor ng National Clergy Discernment Group at lider ng election watchdog na Kontra Daya, ay namatay noong Lunes dahil sa kumplikasyon mula sa diabetes sa National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fr. Dizon, ililibing sa Lunes


No comments:

Post a Comment