Saturday, November 16, 2013

Dingdong Dantes, aware sa pagpapa-sexy ni Marian Rivera

FIRST time na ginawa ni Marian Rivera ang ganitong ka-sexy at daring pictorial para sa Ginebra San Miguel 2014 Calendar. Bale ikalawang beses nang calendar girl si Marian ng Ginebra San Miguel. Una’y noong 2009 na pa-demure at sexy lang ang suot niya. Balot na balot pa!


‘Di pa kaya ni Marian na mag-all out sexy noon dahil ‘di pa siya confident sa kanyang katawan.


Sa 2014 Calendar ni Marian, may tatlong pictorial siya na kinunan sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.


Ayon kay Marian, alam ito ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes dahil ang first pictorial na kinunan sa Boracay ay gusto niyang ibigay ito kay Dingdong. Sa tingin niya, ito ang pinakamaganda sa tatlong pictorial na puwede niyang ipagyabang sa kanyang boyfriend.

Ang ikalawang photo niya ay background naman ang Palawan, malapit sa sikat na Underground River. At ang ikatlong pictorial na sinasabing daring ay kuha sa Batangas.


First calendar girl ng Ginebra San Miguel si Marian na nakaulit ng calendar sa kumpanya. Ayon sa head ng marketing ng Ginebra San Miguel, si Marian ang pinaka-sexy na actress ngayon sa bansa. Base ito sa pagkapili kay Marian bilang Sexiest Woman ngayon ng FHM.


Gagamitin nila si Marian para maglibot at i-promote ang Ginebra San Miguel sa buong Pilipinas. Alam ng Ginebra San Miguel na maraming followers ang aktres.


***


BUKOD sa pagiging magkaibigan at magkumpare nina Ogie Alcasid at Michael V., professional din ang kanilang relasyon.

Sa interview namin kay Michael V., kahit hindi sila nagkikita madalas ni Ogie ngayon dahil sa lumipat na ng ibang network ang kanyang kumpare, hindi sila nawawalan ng communications na dalawa.


Ayon kay Michael V., humihingi ng feedback sa kanya si Ogie tungkol sa Tropa Mo Ko Unli. Ano ang masasabi ng comedian sa Tropa Mo? Kaya nagsa-suggest din si Michael V. kay Ogie kung ano pang magagawa sa show.


So far, ang Tropa Mo ay no. 1 ngayong Saturday show ng TV5. Dumarami ang mga follower buhat nang pumasok si Ogie sa show. ‘Di lang naman comedian si Ogie sa programa. Nakikialam din siya sa content ng show at nagsa-suggest pa siya sa ikinagaganda ng programa.


Tampok sa Tropa Mo Ko Unli ang mga home grown talent ng TV5 na sina Eula Caballero, Ritz Azul, Vin Abrenica, Mark Nuemann, Sophie Albert, Akihiro Blanco. Narito rin ang veteran stars na sina Gelli de Belen, Tuesday Vargas, at iba pa. Taped as live ang gag show ng TV5 na mapapanood tuwing Sa turday night.


The post Dingdong Dantes, aware sa pagpapa-sexy ni Marian Rivera appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dingdong Dantes, aware sa pagpapa-sexy ni Marian Rivera


No comments:

Post a Comment