Monday, November 4, 2013

Granada natagpuan sa LTFRB office

Nabalot sa takot ang mga empleyado ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) nang rumesponde ang bomb squad ng Quezon City Police District (QCPD) para kunin ang isang granada na natagpuan sa banyo ng tanggapan kahapon ng umaga.



Dakong 9:40 ng umaga, isang granada ang nadiskubre ng janitor sa palikuran ng LTFRB sa second floor ng gusali sa East Avenue , Quezon City


Agad namang ipinagbigay-alam sa QCPD Station 10 sa Kamuning ang nakitang bomba kasabay ng pagpapalikas ng mga empleyado ng grupo ni P01 Rogelio Corpuz.


Matapos makuha ang granada, inalalayan ng mga pulis ang LTFRB sa pagbalik sa kani-kanilang opisina.


Iniimbestigahan na ng QCPD kung sino ang nagtanim ng granada at kung mayroon ngang pagtatangka na pasabugin ito sa loob ng tanggapan. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Granada natagpuan sa LTFRB office


No comments:

Post a Comment