Monday, November 4, 2013

Oil price hike ipinatupad ngayong umaga

MULING nakaranas ng dagok ang mga motorista sa panibagong pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo ngayong buwan ng Nobyembre.


Ito ay matapos nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad ng oil price hike.


Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga, ipinatupad ng Shell at PTT ang dagdag presyo sa diesel at kerosene.


Kabuuang P0.35 dagdag-presyo sa kada litro ng diesel at P0.20 sa kerosene sa lahat ng istasyon sa buong bansa ng PTT at Shell maliban sa Cebu at Bohol na naapektuhan ng malakas na lindol noong Oktubre 15.


The post Oil price hike ipinatupad ngayong umaga appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Oil price hike ipinatupad ngayong umaga


No comments:

Post a Comment