Monday, November 4, 2013

Seguridad sa Kamara nakalatag vs Million Mask March

NAKALATAG na ang seguridad ng Legislative Security Bureau ng Kamara kaugnay ng bantang “Million Mask March” sa Batasan ngayong araw.


Tiniyak ni House Sgt. At Arms Retired Gen. Nicasio Radovan na meron na silang Standard Operating Procedure sa ganitong mga pagkakataon.


Depende aniya ang SOP sa dami ng lalahok sa kilos-protesta.


Hindi naman binanggit ni Radovan ang bilang ng itatalagang magbabantay sa Batasan Complex.


Hindi gaanong nababahala ang House security sa nasabing aktibidad lalo’t nakabakasyon ang Kongreso.


Lumutang ang ‘Million Mask March’ matapos atakehin ng hackers ang ilang websites ng gobyerno at manawagang lumahok sa kilos-protesta sa Batasan bilang bahagi ng laban sa katiwalian.


Una namang itinanggi ng ilang militanteng grupo na kasama sila sa kilos-protesta.


The post Seguridad sa Kamara nakalatag vs Million Mask March appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Seguridad sa Kamara nakalatag vs Million Mask March


No comments:

Post a Comment