Sunday, November 17, 2013

Grabe ang chemistry nina Ryzza Mae at Bimby—Orly Ilacad

Ryzza Mae & Bimby


Ni Remy Umerez


ANG fearless prediction ng marami ay magiging runaway winner sa 2001 MMFF ang My Little Bossings. Ngayon pa lang ay may mga excited at sabik nang mapanood ang unang tambalan ng child superstars na sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap.



“Grabe ang chemistry ng dalawang tsikiting on and off the camera,” pahayag ng isa sa mga producer ng pelikula na si Boss Orly Ilacad. “Sobrang happy kami sa positibong feedback na aming tinatanggap. We are grateful to Kris (Aquino) at sa produksiyon namin niya ipinagkatiwala ang kanyang anak.


Napakalaking bagay din ang todong suportang ginagawa ni Kris bilang isa sa mga producer ng pelikula.”


Sa mapapanod na istorya ng pelikula ay tuturuan ni Ryzza ang elitistang si Bimby sa pagsasalita ng Tagalog at vice-versa. Ayon na rin kay Orly, nakakaaliw kapag nag-uusap ang dalawang bata at ang kanilang mga eksena ang pinakaaabangan nang husto. Higit pa sa entertainment value, sinisiguro ng produksiyon ang magagandang aral na mapupulot sa pelikula.


Ang My Little Bossings ay produced ng OctoArts Films, M-Zet Productions, APT Entertainment at Kris Aquino Productions.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Grabe ang chemistry nina Ryzza Mae at Bimby—Orly Ilacad


No comments:

Post a Comment