Sunday, November 17, 2013

Gilbuena, Poliquit, nanguna sa Tarlac leg

Ni Angie Oredo


Ginamit ni 2012 leg champion Miscelle Gilbuena ang pamilyaridad sa ruta para itala ang magkasunod na panalo habang sinandigan ni national athlete Rafael Poliquit ang naging matinding pagsasanay sa pambansang koponan upang iuwi ang korona sa 37th National MILO Marathon qualifying sa Tarlac City.



Pinamunuan naman nina Gilbuena at Poliquit, na kapwa miyembro ng Philippine Air Force, ang 55 iba pang runner na itinala ang mabilis na oras upang magkuwalipika sa finale sa Disyembre. Nakatakda silang makipagsagupa sa 500 iba pang elite runners sa buong bansa para sa inaasam na titulo at all-expenses paid trip upang lumahok sa 2014 Paris Marathon sa tulong ng MILO Napantayan naman ng Tarlac race ang isinagawang karera sa Manila sa pinakamaraming bilang ng qualifiers sa isang regional leg ngayong taon kung saan umabot sa 12,089 estudyante at mahilig sa running ang sumali.


Kinailangan namang biguin ng 24-anyos na si Poliquit ang hamon ni dating Milo Marahon King na si Julius Sermona at Elmer Sabal bago nito nagawang lumayo sa huling 10 metro sa hiritan sa finish line para itala ang 1:12:38 oras. Ikalawa si Sermona sa 1:12:47 segundo at ikatlo si Sabal sa 1:13:53 oras.


“It was a very close race. Sermona was my strongest contender, and I was only able to pull away at the last minute. With a slot in the finale secured, my next goal is to beat Kenyan runners in the Open Category of the National Finals,” sabi ni Poliquit.


Ginawa naman inspirasyon ni Gilbuena na mula Sta. Fe, Bantayan Island, Cebu ang matulungan ang nabiktimang pamilya ng 7.2 magnitude earthquake at super typhoon Yolanda upang magmolde ng isang coast-to-coast victory sa women’s division. “Ilang linggo pa lang nang tumama ang napalakas na mga lindol at bagyo sa bayan namin sa Cebu. Pinipilit pa lang ng pamilya ko na makatayo. Alam kong makakatulong din para sa kanila ang parte ng P10,000 premyo kung mananalo ako rito na ibibigay ko sa kanila,” maemosyong wika ni Gilbuena, 25, na naorasan sa 21-kilometrong distansya ng isang oras, 12 minuto at 38 segundo.


Bumuntot sa kanya sina Berna Pulmano (1:36:13) at Melinda delos Reyes (1:42:16) sa patakbo na ginantimpalaan ang Magic 10 winners pati rin sa mga pampalabok na 10k, 5k at 3k sa pagbalikat ng Nestle Philippinbes, Inc. at mga pagsuporta ng Timex, Bayview Park Hotel Manila, Reebok, Smart at SM Mall of Asia.


Umabot naman na sa 32,500 ang naipapamudmod na mga sapatos ng MILO’s Helpf Give Shoes advocacy sa pagkakaloob pa ng 500 sa Capas High School, San Miguel Central School, Sto. Cristo Elmentary School, Tarlac West Central School, at Mataalaib Bato Elementary School.


Aalagwa ang last regional qualifying race ng taon sa Angeles City sa Nobyembre 24 patungo sa SM MOA grounds sa Pasay City para 37th MILO Marathon National Finals sa Disyembre 8 na may nakatayang tig-P300,000 at tig-P150,000 para sa top finishers sa Open at Local male & female bukod pa sa 2014 Paris Marathon trip.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Gilbuena, Poliquit, nanguna sa Tarlac leg


No comments:

Post a Comment