Sunday, November 17, 2013

Buntis mula Tacloban, inabot ng pagle-labor sa C-130 plane

INABOT ng pagle-labor ang 34-anyos na ginang mula Tacloban habang sakay ng C-130 plane.


Kaya paglapag ng eroplano sa Villamor Airbase, agad kinuha ng medical team si Noverlyn Lim at isinugod sa ospital.


Matiwasay namang naisilang ng ginang ang baby boy sa Pasay City General Hospital at ngayo’y kapwa nasa maayos nang kondisyon.


Kwento ng mga kaanak ni Lim, ilang araw silang nag-abang ng masasakyan pa-Maynila lalo’t alam nilang kabuwanan na nito.


Todo-dasal pa anila si Lim sa eroplano para huwag abutin ng panganganak dahil wala silang kasamang doktor.


Ang baby boy ang ika-apat na anak ng ginang.


The post Buntis mula Tacloban, inabot ng pagle-labor sa C-130 plane appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Buntis mula Tacloban, inabot ng pagle-labor sa C-130 plane


No comments:

Post a Comment