Sunday, November 17, 2013

Nolte natablahan sa 4th round

BUMIHAG ng isang pawn sa end game si Pinoy International Master Rolando Nolte subalit hindi ito sumapat para maipanalo ang laro sa round 4 ng Chennai Grand Master International Open Chess Tournament na ginaganap sa Jawaharlal Nehru Stadium, Periamet, Chennai sa India kagabi.


Sa fighting draw nauwi ang laban ni No. 32 seed Nolte (elo 2436) kay Nr Vignesh (elo 2236) ng India matapos ang 65 moves ng Ruy Lopez.


Nailista ni 1992 Chess Olympiad Philippine Chess team member Nolte ang 3 points para makisalo sa 10th place sa event na may 11 rounds swiss system.


Makakalaban ni Nolte sa fifth round si FM Aravindh Chithambaram Vr. (elo 2335) ng India.


Sa round 1 tabla rin ang naging resulta ng laro ni Nolte kay Mithil Ajgaonkar ng host country bago sumulong ng dalawang sunod na panalo sa rounds 2 at 3.


Mag-isa sa liderato si No. 4 ranked GM Ter Sahakyan Samvel (elo 2568) ng Armenia na may malinis na apat na puntos.


Pinagpag ni Samvel si Indian GM R.R. Laxman matapos ang 31 sulungan ng Ruy Lopez.


Tinulak naman ni top seed super GM Ivan Popov (elo 2652) ng Russia upang makabangon ito mula sa pagkakadapa sa round 2 kay Laxman.


Samantala, kikilatisin ni Samvel ang pambato ng mga taga India na si No. 3 seed GM (elo 2570) Lalith Babu habang makakaharap ni Popov si IM Murali Karthikeyan (elo 2444) ng India.


Ang nasabing event ay inorganisa ng Gobyerno ng Tamilnadu bilang selebrasyon sa nagaganap na 2013 FIDE World Championship Match sa pagitan nina defending champion GM Vishwanathan Anand (elo 2775 ) ng India at challenger at world’s No. 1 player Magnus Carlsen (elo 2870) ng Norway.


The post Nolte natablahan sa 4th round appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Nolte natablahan sa 4th round


No comments:

Post a Comment