Wednesday, November 6, 2013

Giants, target makisalo sa liderato

Makatabla ang Cagayan Valley sa liderato ang tiyak na sisikapin maisakatuparan ng Jumbo Plastic Linoleum sa kanilang pagsagupa sa Big Chill Superchargers sa pagpapatuloy ng PBA D-League Aspirants Cup sa Fil-Oil Flying V Arena sa San Juan City ngayon.


Sa ganap na alas-4:00 ng hapon haharapin ng Giants ang Superchargers para sa hangad nilang ikatlong dikit na tagumpay matapos ang unang salpukan sa pagitan ng Wangs Basketball at ng Blackwater Sports sa alas-2:00 ng hapon.



Matatandaan na nakalusot ang Giants sa Café France, 74-70, sa nakaraan nilang laban sa kabila ng pagbaba ng laro nila sa fourth quarter.


“I hope they learned a lot of things with what happened in this game,” pahayag ni coach Steven Tiu ng Giants sa nangyaring 4th quarter meltdown nila sa Bakers.


Sa kabilang dako, suwerte namang matatawag ang naitalang 87-85 na panalo ng Superchargers sa kanilang unang laban kontra sa NU-BDO.


Ngunit umaasa si coach Robert Sison na magsisilbing inspirasyon ang nasabing panalo para sa kanyang mga player upang mas lalo pang kumayod sa susunod nilang laban.


“It’s going to be another tough game for us. Jumbo Plastic is playing very good so we have to play harder and hope this win can inspire us going into our next game,” ani Sison.


Una rito, gaya ng Big Chill ay tatangkain naman ng reigning Foundation Cup champion Blackwater Sports na maitala ang ikalawang sunod nilang panalo upang makalapit sa liderato sa pagsagupa nila sa baguhang Wangs Basketball na hangad namang makapagtala ng unang panalo makaraang mabigo sa una nilang laro sa kamay ng Zambales M-Builders. – Marivic Awitan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Giants, target makisalo sa liderato


No comments:

Post a Comment