Wednesday, November 6, 2013

FOOD FORTIFICATION FOR FILIPINOS’ HEALTH


Idinaraos ngayong Nobyembre 7 ang National Food Fortification Day upang tutukan ang micronutrient sufficiency at ang tungkulin nito sa pangkalahatang kalusugan at kapakanan ng mga Pilipino. Ang pagdaraos ay alinsunod sa Executive Order 382 na nilagdan noong Oktubre 29, 2004, na kumikilala sa micronutrient deficiency na kaialngang maresolba sa pamamagitan ng mga programa, pati na ang long-term food fortification , lalo na sa mga buntis, nagpapasusong mga ina, at mga bata.



Ang food fortification ay ang pagdadagdag ng micronutrients tulad ng Vitamin A, iron, at iodine sa pagkaing kinukonsumo ng mas nakararaming Pilipino upang maiwasan ang nutrient deficiencies. Ipinakikita sa nutrition surveys na ang Vitamin A deficiency (VAD), iron deficiency anemia (IDA), at iodine deficiency are mga suliranin sa kalusugan na maaaring maremedyuhan sa food fortification.


May mga batas na ipinatutupad upang mapaigting ang food fortification tulad ng Republic Act (RA) 8172 na nagtataguyod ng salt iodization, na nilagdaan noong Disyembre 20, 1995, at ang RA 8976 o ang Philippine Food Fortification Act of 2000 na inisyu noong November 7, 2000 na nananawagan para sa mandatory food fortification. May dalawang bahagi ang RA 8976: Voluntary food fortification na sa pamamagitan ng paghihimok ng Department of Health (DOH) sa mga manufacturer na i-fortify ang kanilang processed food at mga produktong pagkain na base sa mga panuntuhan ng DOH-Food and Drug Administration; at ang mandatory fortification ng staple foods tulad ng bigas, asin, wheat flour, refined sugar, at mantika.


Taglay ng fortified foods ang DOH Sangkap Pinoy Seal sa mga pakete nito, isang katiyakan na sumunod ang mga ito sa mga pamantayan ng food fortification at mahusay na pamamaraan sa paggawa. Kabilang dito ang fruit juices, fish and meat products, instant noodles, cheese products, at baby food. Ang seal ay isang gabay na ginagamit ng mga consumer sa pagpili ng masustansiyang pagkain.


Ang Manila Bulletin, sa pangunguna ng Chairman of the Board of Directors na si Dr. Emilio T. Yap, President and Publisher Atty. Hermogenes P. Pobre, Executive Vice President Dr. Emilio C. Yap III, Editor-in-Chief Dr. Cris J. Icban Jr., Business Editor Loreto D. Cabañes, iba pang opisyal at kawani, ay bumabati sa Department of Health sa pangunguna ni Secretary Dr. Enrique T. Ona at ang Food and Drug Administration sa pamumuno ni Director Dr. Kenneth Y. Hartigan Go, iba pang opisyal at kawani sa kanilang pagsisikap na matugunan ang mga pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon upang matiyak ang kagalingan ng mga mamamayan sa Republika ng Pilipinas. CONGRATULATIONS AT MABUHAY!


.. Continue: Balita.net.ph (source)



FOOD FORTIFICATION FOR FILIPINOS’ HEALTH


No comments:

Post a Comment