Wednesday, November 6, 2013

Christmas carolers, sinorpresa ang MRT passengers

Ni Jeffrey G. Damicog


Regular nang eksena ang mahabang pila sa Metro Rail Transit (MRT) Station sa Cubao, Quezon City. Subalit kahapon ng umaga, ginulat ng isang dalagita ang mga nakasimangot na pasahero nang bigla silang umawit ng “Joy to the World.”


At sa kanilang pagkanta, sumabay pa ang ibang kabataan na nakaposisyon sa iba’t ibang sulok ng MRT station na ikinagiliw ng mga pasahero.



Dahan-dahan ding lumapit at nagkumpulan ang mga mang-aawit sa mga turnstile upang magbigay aliw sa mga buryong na pasahero.


Hindi rin napigilan ng ilang MRT passenger na sumabay sa mga Christmas caroler sa kanilang nakakikilig na pag-awit.


“We believe in the power of kids na kaya nila makapag-create ng change, makapagpasaya,” sinabi ni Lawrence Lorico, assistant brand manager ng Tang juice drink na siyang nag-organisa ng sorpresang pagtatanghal.


Mahigit sa 20 caroler ng Fris Chorale – na may edad mula 10 hanggang 16 – ang nag-alay ng awit sa mga MRT passenger.


Ani Lorico, ito’y isang pag-aalay sa mga mamamayan upang madama and tunay na diwa ng Pasko sa kabila ng kanilang araw-araw na nararanasang pagsubok sa buhay.


Bukod dito, namahagi rin ang mga miyembro ng Fris Chorale sa mga pasahero ng 1,000 MRT ticket matapos silang tumikim ng libreng Tang products sa Cubao station.


“We decided to do it at the MRT dahil sa dami ng tao, sobrang stressful,” paliwanag ni Lorico.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Christmas carolers, sinorpresa ang MRT passengers


No comments:

Post a Comment