Wednesday, November 6, 2013

Foreign players, mas magpapa-init sa mga laro sa Superliga Grand Prix 2013

Tila isang nakakakuryenteng kapaligiran ang naranasan kahapon ng anim na mga koponan na sasabak sa Philippine Superliga Grand Prix 2013 nang siyam na foreign players ang nag-checked in para sa halos dalawang buwan nilang ‘tour of duty’ sa premier club league sa bansa na nakatakdang magsimula sa Linggo sa The Arena sa San Juan.



Sinukat ng coaches mula sa defending champion TMS-Army, PLDT, Cignal, Petron, Cagayan Army at bagong team na RC Cola, bahagi sa pag-aari ng Air Asia-Zest at Zesto juice drinks, ang mga banyagang manlalaro at pawang namangha sila sa kanilang galing.


Ang foreign players ay nakita na sa aksiyon sa iba’t ibang liga na may basbas ng FIVB (International Volleyball Federation) at sa AVC (Asian Volleyball Confederation) at ang kanilang collective experience ang inaasahang magpapataas ng lebel ng kompetisyon sa PSL, nasa ikalawa ng torneo matapos ang matagumpay na PSL Invitationals noong Hulyo.


“We’re highly impressed, the imports would take our games to an even higher plane and we’re all excited to mix and match different combinations to make them jell with our locals,” saad ni Vilet Ponce-de Leon, coach ng Petron.


Sinabi naman ni TMS-Army coach Rico de Guzman, ang presensiya ng foreign players sa kanilang rosters ang magpapalakas sa bawat anggulo ng kompetisyon, at sinabi rin na may kakaibang mararamdaman ang locals sa crucial moments ng torneo.


“While the imports can pull our games higher, the local players should step up and play with even more grit and intensity because the Superliga now becomes an even more serious battlefield for our club players,” pahayag ni De Guzman.


Sumang-ayon rin sina Cignal coach Sammy Acaylar, Cagayan Valley mentor Ness Pamilar, PLDT coach Roger Gorayeb at RC Cola mentor Ronald Dulay sa naging obserbasyon nila sa mangyayaring laro.


Sinabi ni Ramon Suzara, presidente ng PSL at top man ng organizing SportsCore, habang naghihintay pa ang grupo nila sa iba pang foreign players para makumpleto ang listahan, to complete the list, ang imports ay patas na ipamamahagi sa anim na koponan depende sa kanilang ‘strengths, weaknesses at needs’.


“The Grand Prix will feature rosters which are even in all angles. While talent and skills of players count, it’s going to be the job of the coaches to make their games work and notch as many wins as possible to claim the crown,” ayon kay Suzara hinggil sa Grand Prix, gagabayan ng Asics, Mikasa, LGR at Jinling Sports.


Mananatili ang Solar Sports Entertainment bilang valuable broadcast partner ng PSL kung saan ay tinagurian itong ‘The Home of the PSL.’


Ang foreign players ay ipakikilala sa publiko sa Sabado matapos ang stakeholders’ meeting sa Wack Wack Golf and Country Club.


Tatlong manlalaro na mula sa China ang nag-checked in na. Kinabibilangan ito nina Li Zhan-zhann ang 10-year veteran at consistent top player ng China’s B-League, Minghua Zhang at ang isa pang beterano na si Xie Lei, nakapaglaro na sa loob ng 16 na taon kung saan ay nagsimul;a ito sa edad na 11.


Karagdagan dito ang tatlong Japanese players na sina Shinako Tanaka, isang Asian Games veteran; Misao Tanyama, ang MVP sa Mongol League at consistent awardee sa Japanese volleyball circuit; at Yuki Murakoshi, ang 22-anyos ngunit beterano na sa J-Circuit.


Makikita rin sa aksiyon si Kaylee Manns mula sa US. Naglaro ito sa US Professional Volley league at dinala ang kanyang lakas sa mga liga sa Switzerland, Germany, Norway at Brazil.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Foreign players, mas magpapa-init sa mga laro sa Superliga Grand Prix 2013


No comments:

Post a Comment