Wednesday, November 6, 2013

Drew Barrymore, buntis sa ikalawang anak

DREW and Will


MAGIGING big sister na si Olive Barrymore Kopelman. Ang famous mom ng Hollywood tot na si Drew Barrymore ay buntis uli, kinumpirma ng kanyang kinatawan sa Us Weekly. Ang baby-to-be ay ang ikalawang anak ng actress-producer, 38, at asawang si Will Kopelman.


Ang kanilang anak na si Olive ay isang taon at isang buwan na ngayon.



Kahit na wala pang komento ang kinatawan ni Drew, sapat na ang ebidensiya nitong weekend: Ang dating child star ay kabilang sa mga dumalo sa LACMA Art+Film Gala bilang parangal kay Martin Scorcese at David Hockney noong Sabado, Nob. 2, at ang long, flowing dress ni drew ay sadyang dinisenyo para itago ang kanyang lumolobong tiyan.


Naging malaking sorpresa ang mabilis na ikalawang pagbubuntis ni Drew: Noong nakaraang buwan lamang ay sinabi niya kay Jay Leno sa The Tonight Show na siya ay gustung-gustong magkaroon ng ikawalang anak at nais mabuntis uli “right away.”


Ipaliwanag ni Drew, ikinasal sa art consultant na si Will noong June 2012, na: “I grew up as an only child, and although that really works for some people and for some parents that’s the way they want to do it.”


Ang inspirasyon ng Flower Cosmetics founder? Ang Griswolds of the National Lampoon Vacation flicks. “I want the kids in the back rolling their eyes at mom and dad. I want Rusty and Audrey, theme parks and the whole nine.”


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Drew Barrymore, buntis sa ikalawang anak


No comments:

Post a Comment