Wednesday, November 6, 2013

Morsi, iginiit ang pagiging presidente

CAIRO (Reuters)— Nagbigay ng kanyang unang forum ang napatalsik na si Egyptian leader Mohamed Morsi, simula nang patalsikikn sa puwesto noong Hulyo sa paglilitis na maaari siyang maharap sa bitay, idineklara noong Lunes na siya pa rin ang lehitimong presidente ng Egypt.



Galit at emosyonal si Morsi nang magsalita sa magulong paglilitis na ipinagpaliban ng hukom sa Enero 8.


“I am Dr. Mohamed Morsi. I am president of the republic,” sabi ni Morsi sa korte, at sumigaw na, “Down with military rule! I am a witness that what is happening is a part of a military coup. I ask the Egyptian judiciary to not act as a cover for the military coup.”


“This trial is illegitimate,” sabi ni Morsi, 62. “This is a criminal military coup.”


Daan-daang tagasuporta ni Morsi ang nagtipon sa labas ng gusali ng korte. Isang karatula ang nagsasabing: “The people’s will has been raped”.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Morsi, iginiit ang pagiging presidente


No comments:

Post a Comment