Thursday, November 21, 2013

Fish shortage, hindi totoo -BFAR

Ni Beth Camia


Inalis ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR ) ang pangamba sa fish shortage sa rehiyon kasunod ng pananalasa ng super typhoon Yolanda.


Ayon sa BFAR, umaabot sa mahigit P1 bilyon ang pinsala na idinulot ng bagyo sa fishing at aqua culture sector at halos lahat na mga fishing vessel sa Northern Iloilo ay na wash-out.



Sinabi ni BFAR Reg. 6 Dir. Drusila Bayate, na may iba pa namang mapagkukunan ng suplay ng isda sa rehiyon gaya ng Guimaras, Antique, Negros Occidental at southern part ng Iloilo na hindi gaanong naapektuhan.


Matapos ang biglang pagtaas ng presyo ng isda ilang araw matapos ang pananalasa ng bagyo, balik na ito sa normal ngayon ayon sa BFAR.


Tiniyak naman ng ahensiya ang tulong sa mga apektadong mangingisda kabilang dito ang pagbibigay sa kanila ng magagamit na fishing gear, reconstruction ng kanilang mga bangka at pati na ang mga makina na gagamitin.


Ang fishing industry sa Rehiyon 6 ay pang-apat sa may pinakamataas na produksyon sa bansa.


Umaasa naman si Negros Occidental Gov. Alfredo Marañon sa kanyang pagharap sa media na magiging leksyon din ang pinsala ng bagyo sa fishing sector sa mga iligal na mangingisda at matuto na ang mga ito na alagaan ang yamang-dagat.


Sa aerial survey, nakitang halos walang natira sa Visayan Sea na laganap ang illegal na dynamite fishing. Nagkaroon rin ng pagpupulong ang mga gobernador sa Rehiyon 6, Cebu at Masbate para pag-usapan ang recovery, restoration at protection ng marine resources sa Visayan Sea.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fish shortage, hindi totoo -BFAR


No comments:

Post a Comment