Thursday, November 21, 2013

Abby Asistio, wala nang itinatagong insecurities

MARAMING presscon na kaming dinaluhan. Press con ng mga kilalang personalidad na nag-eendorso ng pelikula, TV shows, albums, causes, at mga produkto na ang iba sa kanila ay hindi naman talaga nila ginagamit o kinakain. Batu-bato sa langit ang tamaan huwag magalit, dahil nasilaw lang naman sila sa milyun-milyong talent fee at exposure.



ABBY Asistio Pero nang magsalita si Fanny Serrano na unang gumamit ng Novuhair Topical Scalp Lotion ay naniwala kami.


“Matagal na akong gumagamit ng Novuhair, pero ngayon lang ako kinuhang endorser. At dahil subok ko at talagang effective, ito ang sina-suggest ko sa mga kliyente ko sa salon, ‘yung may mga problema rin sa buhok, kung baga suggestion ko lang kasi nakita nila na kumapal ang buhok ko at tinatanong nila ako kung ano’ng ginawa ko, sabi ko lang, Novuhair.


”’Tapos after ilang months, babalik sila (customers) at magpapasalamat sa akin kasi effective raw at may mga baby hair nang tumutubo sa scalp nila. So ako, natuwa kasi nakatulong pala ako.


“Hanggang sa tinawagan ko ‘yung taga-Novuhair para ipaalam na effective pal a ‘yung product nila ‘tapos nagpakilala ako at sabi nga, ang tagal na nilang ini-launch ito sa market.


”I’m 65 years old at wala naman akong mapapala kung nanloloko ako ng tao kasi masaya na ako kung anuman mayroon ako ngayon.”


Bukod kay Fanny ay nagbigay din ng testimonya ang songwriter, singer at TV host na si Abby Asistio, anak ni Veronica Jones kay dating Caloocan Mayor Boy Asistio.


Matagal na naming nakikita si Abby sa ABS-CBN at talagang napapalingon kami dahil ang ganda niyang babae, matangkad, magaling manamit, pero kalbo. Confident siyang tingnan, pero deep inside ay inamin niyang insecure siya sa itsura niya at idinadaan lang niya sa porma at pagsusuot ng malalaking sumbrero at kung anu-ano pang paraphernalia para hindi mapansin ang pagiging kalbo niya.


“Ikinahiya ko po talaga ‘yung kakulangan na ‘yun na hindi ko po ‘pinapakita kaya po ako nagsusumbrero at nagwi-wig while growing-up.


“Pero last year po, napagdesisyunan ko na hindi ‘yun hadlang sa anuman ang gusto kong gawin sa buhay na ibig sabihin, I’m less than everyone because I don’t have hair.


“Kaya naman po sa ganu’ng pagkakaroon ng acceptance, imagine n’yo po ‘yung hope na naibigay sa akin na mayroon palang ganu’n produkto na puwede pa palang tumubo ang buhok ko. Kasi ilang taon (26 years) ko na pong dinadala na hopeless na, kalbo na lang ako forever, na talagang ini-imagine ko tungkol sa future na ‘pag ikinasal ako, naka-wig ako, kaya talagang inisip ko wala nang pag-asa.


“Kaya nu’ng nasimulan kong gamitin ang Novuhair, sa totoo lang po, I really had no expectations. Ginamit ko po officially March (2013) kasi December ako kinausap ng mga taga-Novuhair so March lang ako nag-start hanggang ngayon ginagamit ko po at heto, may buhok na ako after five months. Dati talaga kalbo ako, kasi ang findings sa akin alopecia areata, so heto may buhok na ako.


“Simula nu’ng gamitin ko, kumakapal at tumataba po ang mga buhok at hindi na nalalagas, minsan pasaway pa ako, ginaganyan (sinasabunutan) ko pa ang buhok ko just to check kung may matatanggal,” masayang kuwento ni Abby.


Kabilang si Abby sa mga bagong henerasyon ng young artists na sumali sa Manila Genesis Entertainment & Management, Inc. na naglabas ng bagong single na siya mismo ang sumulat at pinamagatang Beautiful na inareglo ni Jay Durias ng South Border.


Ang music video ng Single ay idinirihe ni Joaquin Valdes na kasalukuyang pinapakita sa Myx at pati na rin sa hottest radio stations sa Maynila. Napasama si Abby sa top 41 vocalists na nabigyan ng pagkakataon na mag-audition sa unang season ng The Voice of the Philippines, finalist sa Dove Real Beauty Campaign at isa sa 30 Young Achievers ng Meg magazine.


“Honored po ako at napili ako bilang brand ambassador ng Novuhair. Makakatulong po sa akin ang bagong platform na ito upang ipagpatuloy ko ang aking advocacy to share my music and life story,” aniya.


“We at Novuhair are very happy to welcome Abby to the family,” sabi naman ni Ms. Sheila Mae Velilla, president ng N utramedia, Inc. “Perfect candidate si Abby para ipakita kung gaano kaepektibo ang Novuhair and we are glad to see visible results.”


Herbal ang Novuhair na gawa sa moringa (malunggay leaves) oleifera, panax ginseng, ginger, virgin coconut oil, at essences ng rosemary at lavender. – Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Abby Asistio, wala nang itinatagong insecurities


No comments:

Post a Comment