Narito ang huling bahagi ng ating paksang “Paano Pinalalala ang Sakit”. Ayon sa mga dalubhasa, ang paulit-ulit na kirot na ating nararamdaman ay isang sakit, hindi sintomas. At ang paggamot ng kirot ay hindi lamang ang pinanggagalingan nito kundi ang buong katawan ng tao. Tulad ng sakit sa puso o iba pang kondisyon, walang mahiwagang gamot kaya kailangan ngayon ng maraming paraan upang maibsan ang pangingirot; nariyan ang exercise at medikasyon at relaxation techniques at physical therapy.
Ang pag-aalis ng lahat ng hapdi at kirot ay hindi makatotohanan. Ang kaya lamang matamo ay ang pahupain ang kirot upang mapahusay ang kalidad ng pamumuhay ng pasyente. So, paano mo palalalain ang iyong sakit?
Anang isang doktor…
- Masyado kang maingat sa gamot. – Marami ka nang alam mula sa mga balita tungkol sa aksidenteng kamatayan ng ilang pasyente na nasa ilalim ng pangangalaga ng kanilang mga doktor, na resulta ng overdose ng gamot. May mga celebrity rin na nalululong sa matitinding droga kaya mas pinipili mo na lang ang mga pain reliever na nabibili sa botika. Pero sa totoo lang, ayon sa mga eksperto, maraming may sakit ang hindi maaadik or mamamatay sa mga medisisang pampawala ng kirot. May pakinabang ang pag-inom ng pain medications – isa na rito ang pagiging aktibo at mapabibilis mo ang iyong paggaling.
- Hindi mo pa nasusubukan ang natural na remedyo. – Kung hindi ka puwedeng uminom ng pain reliever dahil sa mayroon itong side effects, maaari ka namang sumubog ng ibang paraan ng paggamot. Nariyan ang acupuncture, halimbawa na nakapagbibigay-ginhawa sa osteoarthritis, sciatica, at pangingirot ng likod. Ang mga may rayuma ay maaaring makinabang sa antiinflamatory effects ng omega 3 fatty acids supplement, ayon sa mga pag-aaral. Payo ni Doc: Subukan ang herbal therapy pero hindi ito nangangahulugan na wala itong side effects at maaari itong magkaroon ng reaksiyon sa ibang gamot. Kaya mahalagang pag-usapan ito ninyo ng iyong doktor.
Nawa ay nakatulong ito sa iyong paghahanap ng kasagutan.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment