Thursday, November 7, 2013

Extension ng NLEX hanggang C-5 sisimulan na

SISIMULAN na sa unang bahagi ng 2014 ang pagpapahaba ng North Luzon Expressway (NLEX) hanggang sa C-5 na mag-uumpisa sa dulo ng Mindanao Avenue link.


Sinabi ni Manila North Tollways Corporation (MNTC) President Rodrigo Franco na isinasapinal na nila at ng National Housing Authority (NHA) ang isyu ng right-of-way at relokasyon ng mga tatamaang residente.


Nabatid na MNTC ang kasalukuyang may hawak ng konsesyon ng NLEX.


Nilinaw ni Franco na isang bagong road network ang gagawin at hindi kumbersiyon lamang ng isang national road.


Oras na makumpleto ang P7 bilyong daan, aabot na lamang ng sampung minuto ang biyahe mula NLEX hanggang C-5.


The post Extension ng NLEX hanggang C-5 sisimulan na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Extension ng NLEX hanggang C-5 sisimulan na


No comments:

Post a Comment