Thursday, November 7, 2013

Bagyong Yolanda mas malakas sa bagyong Pablo

IBINABALA ng Department of Science and Technology (DOST) na mas malakas pa sa bagyong Pablo ang typhoon Yolanda.


Ayon sa pahayag ni DOST Secretary Mario Montejo, sa pagpasok ng bagyo kaninang hatinggabi, naramdaman na ang hagupit nito sa mga lalawigan na direktang tinamaan ni Yolanda.


Sinabi ni Montejo na ang bagyong Pablo ay may lakas ng hanging nasa 175 kilometro kada oras habang ang typhoon Yolanda ay inaasahang papalo sa 200 kilometro kada oras na magdadala pa ng malakas na ulan.


Ipinabatid ni Montejo na pinakapupuntiryahin ng bagyo ay ang Samar, Leyte, Bicol region at Southern Luzon.


The post Bagyong Yolanda mas malakas sa bagyong Pablo appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Bagyong Yolanda mas malakas sa bagyong Pablo


No comments:

Post a Comment