Thursday, November 7, 2013

PNoy, dapat mayroong accountability – CBCP official

Hinamon ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Pangulong Benigno Simeon Aquino III na magkaroon ng accountability hinggil sa kinukuwestiyong Development Acceleration Program (DAP) na nagkakahalaga ng P400 bilyon.



Ayon kay CBCP-NASSA Executive Secretary Fr. Edu Gariguez, ipinagtataka niya kung bakit naglaan ang Pangulong Aquino ng napakalaking halaga sa sarili ng walang accountability o pananagutan sa batas.


Kinukuwestiyon rin nito kung sino ang nagbigay ng karapatan kay Pangulong Aquino na humawak ng mahigit P400 bilyon pondo na para lamang sa kanyang disposal.


Pinangangambahan rin ng pari ang malaking kapangyarihan ng Pangulong Aquino na mamahala sa napakalaking pera.


Kumbinsido si Gariguez na hindi naman ninanakaw ng Pangulong Aquino ang DAP ngunit ipinamimigay naman niya ang pera sa mga senador at kongresista na sumusunod sa kanyang kapritso.


“Hindi naman sinasabing ninanakaw ang malaking pera na umaabot sa 400 bilyon. Napakalaki noon, malaki pa nga iyon sa perang maaring i-dispose ni Obama ng US. Bakit mo binibigyan ang sarili mo ng ganoon kalaking halaga ng walang malaking accountability ayon sa batas. Ang isyu ay legalidad ng DAP, sino ang nagbigay ng karapatan na mamahala ng ganung pera ang Presidente na hindi puwedeng ilagay kahit pa sa savings. Ito ang mapanganib,” ani Gariguez, sa panayam ng Radio Veritas.


“Ang laki ng kapangyarihan ng presidente na mamahala doon sa pera. Iyo ang mapanganib, di naman niya ninakaw dini-distribute naman sa mga Senador at Kongresista para isulong ang kanyang agenda. Ang nangyayari kasi nagkakaroon ka ng malaking kapangyarihan sa pera na naggagamit mo para sa gusto mo, yun ang mapanganib dun,” aniya pa. – Mary Ann Santiago


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PNoy, dapat mayroong accountability – CBCP official


No comments:

Post a Comment