Monday, November 4, 2013

Expired relief goods ipinakain sa mga residente ng Bohol

NAKAKAIN ng expired relief goods ang mga residente na ipinamahagi sa lalawigan ng Bohol na nasalanta ng magnitude 7.2 na lindol kamakailan.


Ayon sa mga nakatanggap ng relief goods, walang label o pangalan na de-lata na madali ring mayupi ang natanggap nila partikular sa Barangay Sambag at Corella sa Bohol.


Bagama’t 2015 pa anila ang nakalagay na expiration date, hindi na umano maganda ang amoy ng mga nasa de lata at karamihan ay puro sarsa lamang ang laman.


Habang sa bayan naman ng Sagbayan, inaamag na tinapay ang natatanggap ng mga pamilya roon at ni isa ay walang napapakinabangan.


The post Expired relief goods ipinakain sa mga residente ng Bohol appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Expired relief goods ipinakain sa mga residente ng Bohol


No comments:

Post a Comment