Monday, November 4, 2013

Joselito Zapanta, handa nang mamatay

NAKAHANDA na ang Overseas Filipino Worker (OFW)na harapin ang masaklap na kapalaran sa hatol na kamatayan sa Saudi Arabia.


Ayon sa pahayag ni Joselito Zapanta, mabuting itulong na lamang sa mga biktima ng lindol sa central Visayas ang perang gagamitin para sa kanyang blood money.


Si Zapanta, ang OFW na nahaharap sa parusang bitay matapos makapatay ng Sudanese national noong 2009.


Binisita ng Philippine embassy officials si Zapanta sa kanyang kulungan sa Malaz Central Jail nitong linggo.


Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, handa nang harapin ng nasabing OFW kung ano man ang kanyang kapalaran.


Dagdag pa ni Binay, relax, kalmado at kinakausap ni Zapanta ang kapwa niya mga bilanggo.


Sa 4 million (SAR) o nasa P45 million blood money na hinihingi ng pamilya ng nabiktima ni Zapanta, kabuuang 520,831 SAR pa lamang ang nalikom ng pamilya ng Pinoy.


The post Joselito Zapanta, handa nang mamatay appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Joselito Zapanta, handa nang mamatay


No comments:

Post a Comment