Friday, November 15, 2013

Ex-barangay kagawad, pinatay

Namatay ang isang dating barangay kagawad makaraang barilin ng isa sa tatlong pinaniniwalaang hired killer sa Caloocan City, noong Huwebes ng hapon.


Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Bienvenido Alfaro, 62, ng No. 6A Delos Reyes Street, Barangay 6, Caloocan City, dahil sa tama ng .45 caliber sa ulo.



Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng tatlong bisikleta patungo sa Julian Felipe, matapos matiyak na patay na ang kanilang target.


Ayon sa report, bandang 4:45 ng hapon nitong Huwebes, nakatayo sa Delos Reyes Street si Alfaro nang biglang sumulpot ang mga suspek.


Dalawa sa mga suspek, na nakasuot ng puting t-shirt, ang nagsilbing lookout habang binabaril ng naka-maroon na kamiseta ang biktima.


Pulitika ang isa sa mga tinitingnang anggulo sa pagpatay.


Ayon kay Kagawad Bencil Alfaro, anak ng biktima, isang Crisanto Anias, alyas Emong, ang nakaalitan ng kanyang ama noong Oktubre 27, 2013. – Orly L. Barcala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ex-barangay kagawad, pinatay


No comments:

Post a Comment