Friday, November 15, 2013

Kylie Padilla, bida na sa primetime telefantasya

Ni Nora Calderon


MAY nerbiyos si Kylie Padilla nang humarap sa interview sa kanya pagkatapos ng formal launch ng Adarna, ang kanyang first primetime series sa GMA-7.


Dream come-true para kay Kylie ang first lead role niyang ito in a primetime. Tatlo ang leading man ni ya, sina Geoff Eigenmann, Benjamin Alves at Mikael Daez, at director nila si Ricky Davao.



“Comfortable po akong katrabaho sila,” kuwento ni Kylie tungkol sa kanyang leading men. “Si Geoff, parang pare ko, iisa ang gym na pinupuntahan namin; si Benjamin, nakasama ko na sa afternoon prime naming Unforgettable at si Mikael, matagal ko na ring kilala at magkasama kami sa Vidanes Management. Sabay-sabay din kaming nag-workshop

para laic naming malaman ang roles na gagampanan namin.”


Istorya ng taong ibon ang Adarna, gagampanan ni Kylie ang role ni Ada, may katangian siyang manggamot na namana niya sa inang si Larka/Lupe (Jean Garcia). Iniwan siya ni Lupe sa daigdig ng mga tao para maligtas sa kapahamakan sa daigdig ng mgaibon.


Nakalipad na ba siya tulad ng napanood sa trailer ng telefantasya?


“Minsan pa lang, iyon pong napanood ninyo sa trailer. Exciting! Pero sa first three days po ng pilot week namin, wala pa ako, kaya pa ulit flying scene kaming kinukunan. Pero excited po ako dahil action at natupad ang wish ni Papa (Robin Padilla) na ganoong project ang gawin ko.”


Tamang-tamang dumating naman sa presscon si Robin, pero hindi siya nagpa-interview dahil ang gabing iyon daw ay para sa kanyang anak. Kay Kylie namin nalaman na maggi-guest sa kanyang soap ang ama (gaganap bilang ang tunay niyang ama sa story). Natanong tuloy si Kylie kung puwede bang dumalaw sa taping ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica at puwede na ba siyang makipag-kissing scene? Nabanggit kasi niya noon na papayag na siyang makipag-kissing scene kapag siya na ang bida at nasa primetime na ang soap niya.


“Bawal pong dumalaw sa set, baka magalit ang tatay ko, pero okey na po naman sa kanya si Aljur. Pero mabuti na rin iyon para walangpressure. Naka-focus po ako sa work ko, kasi medyo mahirap ang mga eksena ko rito at madalas ang taping namin sa loob ng simbahan ng Quiapo at sa vicinity nito. Wala pa po naman akong nababasa sa script na may kissing scene ako,” nagtatawang wika ni Kylie. “Tingnan ponatin.”


Sa Lunes na, November 18 mapapanood ang Adarna sa GMA-7, pagkatapos ng Genesis. Makakasama rin ni Kylie sina Dante Rivero, Jestoni Alarcon, Maureen Larrazabal, Michelle Madrigal, Chynna Ortaleza, Saab Magalona at Ryza Cenon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Kylie Padilla, bida na sa primetime telefantasya


No comments:

Post a Comment