Friday, November 15, 2013

POC Arbitration Committee, pabor sa PCKF

Pinaboran ng binuong Philippine Olympic Committee (POC) Arbitration Committee ang panig ng pamunuan ng Philippine Canoe-Kayak Federation (PCKF) sa desisyon na buwagin ang pambansang koponan ng dragonboat bilang bahagi ng pagdidisiplina at pagsasa-ayos ng kalakaran ng asosasyon.



“The NSA had the right to discipline and to dissolve their national team in the interest of change and development,” ayon sa ipinadalang desisyon ng POC Arbitration Committee na pinamumunuan ng Honorary IOC representative to the Philippines na si Francisco Elizalde.


Gayunman, pag-aaralan pa rin ng bawat miyembro ng POC Executive Board, bago nito pagbotohan at tuluyang desisyunan ang naging hatol ng POC Arbitration Committee.


Matatandaan na binuwag ng pamunuan ng PCKF, sa pamumuno ng itinalagang presidente na si Joone Go, ang buong koponan ng dragonboat na binubuo ng mga miyembro na mula sa Army, Navy at Coast Guard dahil sa kawalan ng disiplina at pagsuway sa pamunuan at liderato ng asosasyon.


Una nang nagkaharap-harap ang pamunuan ng PCKF at mga miyembro ng dragonboat kay POC president Jose “Peping” Cojuangco subalit hindi nagkasundo kung kaya ipinasa ang pagdedesisyon sa POC Arbitration Committee.


Sinabi naman ni PSC Chairman Richie Garcia, ang pinal na desisyon ng POC Executive Board ang hihintayin bago tuluyang desisyunan kung ibabalik ang monthly allowances ng mga atleta matapos na i-hold dahil sa kaguluhan sa liderato ng asosasyon. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



POC Arbitration Committee, pabor sa PCKF


No comments:

Post a Comment