Saturday, November 16, 2013

Eastern Visayas Police chief, sinibak

Ni Fer Taboy


Matapos magpahayag na nasa 10,000 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte at makumpirmang hindi totoo ang sinabing may mga armadong grupo ang nananakot sa mga binagyo sa lungsod, sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima, bilang regional director ng Eastern Visayas Police Office si Chief Supt. Elmer Soria.



Pansamantalang itinalaga sa PNP headquarters sa Camp Crame sa Quezon City si Soria.


Matatandaang si Soria ang nagsabing aabot sa 10,000 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda, ngunit pinasinungalingan ito ni Pangulong Benigno S. Aquino III, iginiit na nasa 2,500 lang ang namatay sa Tacloban.


Ang nasabing bilang ang quoted ng mga international news agency na nag-uulat tungkol sa pananalasa ng Yolanda.


Sa isang press conference noong Nobyembre 11, nabanggit ni Purisima na paiimbestigahan niya si Soria kaugnay ng sinabi nitong death toll.


Inirekomenda namang kapalit ni Soria si Chief Supt. Henry Lozanes, na dating direktor ng PNP Maritime Group.


Hindi rin nagustuhan ni Purisima ang nakaaalarmang pahayag ni Soria sa mga panayam na pinasok ng mga armadong lalaki ang Tacloban, na nagbunsod ng panic sa mga residente.


Sa pagberipika ng pulisya at militar sa nasabing ulat, natuklasan nilang mali ang sinabi ni Soria.


Matatandaang nagtalaga ang PNP ng mahigit 1,000 pulis sa Tacloban kasunod ng matinding pangamba laban sa looting.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Eastern Visayas Police chief, sinibak


No comments:

Post a Comment