Saturday, November 16, 2013

4 Marines, nasawi sa routine

SAN DIEGO (AP) — Ang trabaho ay isa sa pinakamapanganib sa Marine Corps.


Ang apat na Marines na nasawi noong Miyerkules habang binabaklas ang hindi sumabog na armas sa Camp Pendleton ng California ay mga bomb removal technician. Isa ito sa iilang posisyon sa Marine Corps na nagpapahintulot sa team members na magbitiw sa trabaho anumang oras. Ito ay dahil sa ang kanilang mental focus ay maaaring mangahulugan ng buhay o kamatayan, sa kanila o sa mga katropa. Ngunit iilan lamang ang susmusko sa kabila ng hirap ng trabah, ayon sa mga dating bomb technician.


Ang apat ay nasawi dakong 11 a.m. sa routine sweep para siguruhing ligtas ang range para sa mga susunod na gagawing training exercises sa Camp Pendleton sa San Diego County. Walang live firing sa range nang mga sandaling iyon.


Sinabi ng mga base official na hindi sila maglalabas ng mga detalye hanggang sa matapos ang imbestigayson sa sanhi ang aksidente. Tumanggi rin silang pangalanan ang mga nasawi


.. Continue: Balita.net.ph (source)



4 Marines, nasawi sa routine


No comments:

Post a Comment