Saturday, November 16, 2013

Fil-Am boxer, may pagtutuunan

Magtatangka ang sumisikat na Filipino-American na si Bruno Escalante na masungkit ang bakanteng International Boxing Association (IBA) super flyweight sa 12 round bout kay Michael Ruiz ng United States sa Sports House sa Redwood, California sa Disyembre 7.



Bagamat hindi kasing sikat ng WBA, WBC, IBF at WBO, nagiging tuntungan ng mga bagitong boksingero ang IBA title para mapalaban sa mas lehitimong kampeonato at kabilang sa mga kilalang boksingero na naging kampeon ng IBA ay sina Roy Jones Jr., Oscar De La Hoya, Shane Mosley at George Foreman.


Kilala sa bansag na “Aloha Kid,” tubong Cebu City si Escalante na nakabase ngayon sa Hawaii kung saan ay may kartada itong 10-1-1 (win-loss-draw) na may 5 panalo sa knockouts samantalang ang tubong Fresno, California na si Ruiz ay may rekord na 9-3-0 (win-loss-draw) na may 3 pagwawagi sa knockouts.


Kaibigan at dating sparring partner ni three-division world champion Nonito Donaire Jr., umaasa si Escalante na makapasok sa world rankings kung mananalo kay Ruiz. – Gilbert Espeña


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Fil-Am boxer, may pagtutuunan


No comments:

Post a Comment