Monday, November 25, 2013

DSWD pinagpapaliwanag ng Malakanyang

PINAGPAPALIWANAG ng Malakanyang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pahayag na ititigil na sa Disyembre ang pamimigay ng relief goods sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.


Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, ayaw muna nilang magbigay ng komento ukol dito hangga’t hindi pa nalalaman ang katwiran ng ahensya.


Lunes, inihayag ni DSWD Secretary Dinky Soliman na hanggang Disyembre na lamang ang pamimigay ng relief goods para matulungan naman ang mga sinalanta na tumayo sa sarili nilang mga paa.


Iginagalang naman ito ni Leyte Governor Dominic Petilla, pero inihirit na paabutin na hanggang Pebrero dahil nagsisimula pa lamang magtanim ang mga kababayan sa lalawigan.


The post DSWD pinagpapaliwanag ng Malakanyang appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DSWD pinagpapaliwanag ng Malakanyang


No comments:

Post a Comment