Monday, November 25, 2013

17 patay sa pagsabog sa Baghdad, Iraq

UMAABOT sa 17 katao ang namatay habang 37 ang sugatan sa pagsabog ng dalawang bomba sa labas ng isang cafe shop sa Baghdad, Iraq.


Ayon sa saksi sa insidente na si Abu Zuhair, ilang minuto lamang ang pagitan ng dalawang pagsabog. Agad na nagtakbuhan ang mga tao papalayo sa lugar.


Ang mga pagsabog ang ikatlong pag-atakeng naiulat sa Baghdad nitong Lunes.


Isang suicide bomber ang nagpasabog sa isang police checkpoint na ikinasawi ng tatlong pulis at ikinasugat ng pitong iba pa,


Na-detonate naman ang isang roadside bomb sa Doura kung saan dalawang militia ang namatay at apat ang sugatan.


Walang umako ng responsibilidad sa pagpapasabog sa cafe shop sa distrito ng Sadriya na karamiha’y tinitirhan ng Shi’ite Muslim bagamat nakakabit sa grupo ng Sunni Muslim ang mga pagpapasabog.


Sa tala ng United Nations, aabot na sa 1,000 ang namatay sa Iraq, ngayon pa lamang buwan ng Oktubre.


The post 17 patay sa pagsabog sa Baghdad, Iraq appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



17 patay sa pagsabog sa Baghdad, Iraq


No comments:

Post a Comment