Wednesday, November 6, 2013

152 bibitayin sa 2009 mutiny

DHAKA, Bangladesh (AP) — Hinatulan ng kamatayan ng isang korte sa Bangladesh noong Martes ang 152 katao sa kanilang pagkakasangkot sa 2009 border guard mutiny na ikinasawi ng 74 katao, kabilang ang 57 military commander.


Hinatulan din ni Dhaka Metropolitan Sessions Court Judge Md Akhtaruzzaman, ang 157 iba pang karamihan ay border guard, ng habambuhay na pagkakakulong at pinawalang-sala ang 271 pa.



Naganap ang mutiny noong Pebrero 25-26, 2009, dalawang buwan matapos manungkulan si Prime Minister Sheikh Hasina. Diskuntento ang militar sa tugon ng gobyerno, na hindi pinahintulutan ang tropa na atakehin ang headquarters ng mga border guard sa Dhaka kung saan pinaslang ang mga military commander.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



152 bibitayin sa 2009 mutiny


No comments:

Post a Comment